"Ang bilis ko talagang mainis. May regla man o wala, gutom man o hindi, araw man o gabi. Palagi. Lagi kasi akong napapalibutan ng negative vibes, kahit alam ko naman sa sarili ko na masaya ako. Hindi ko nga maintindihan minsan e, siguro dala lang to ng pagiging unemployed ko. Ang hirap naman kasing maghanap ng trabaho these days. Kahit may kakayahan ka, kung wala ka naman kakilala sa kompanyang inapplyan mo, talo ka."